top of page

Isinusulong ng Rural Health Unit ng Parang, Maguindanao del Norte para mas accessible at inclusive na serbisyong pangkalusugan

  • Feb 26
  • 1 min read

iMINDSPH



Matagumpay na isinagawa ng RHU Parang, Maguindanao del Norte, ang Purok Kalusugan sa Barangay Making at Barangay Gadungan, isang hakbang para ilapit mismo sa komunidad ang mga pangunahing serbisyong medikal.


Sa halip na hintayin ang mga residente na pumunta sa health facility, ang health workers na mismo ang lumapit sa bawat purok.


Layunin ng programang ito na matiyak na walang pamilyang maiiwan pagdating sa serbisyong pangkalusugan.


Kabilang sa mga serbisyong ibinigay ang general consultation, Operation Timbang para sa mga bata, oral health services, at pagsasama-sama ng iba’t ibang health programs sa isang komprehensibong outreach activity.


Malaking tulong ito ayon sa RHU sa mas maagang pagtuklas ng karamdaman, pagpapalakas ng preventive care, at pagbibigay ng health education sa antas-barangay.


Sa pamamagitan ng Purok Kalusugan, mas napapalakas ang community-based healthcare sa Parang—mas pinalalapit ang serbisyo, mas pinapalawak ang kaalaman, at mas pinagtitibay ang kalusugan ng bawat barangay.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page