top of page

Itinanggi Ni Chairman George Garcia ang alegasyon ng mga nagpakilalang miyembro ng Philippine Marines na may tinanggap siyang pera mula kay dating Ako Bicol Partylist Representative Zaldy Co

  • Feb 25
  • 1 min read

iMINDSPH



Itinanggi ni Commission on Elections (COMELEC) Chairperson George Erwin Garcia ang pagkakadawit nito sa mga sinasabing mga opisyal ng pamahalaan na nakatanggap ng pera mula kay dating Representative Zaldy Co, ayon sa ibinahaging impormasyon ng Radyo Pilipinas.


Matatandaang nagsagawa ng press conference, araw ng Martes, February 24, ang mga nagpakilalang 18 former Philippine Marines personnel at sinabing nag-deliver umano sila ng mga maletang naglalaman ng mga milyong halaga ng pera sa iba't ibang opisyal ng pamahalaan, ayon sa report.


Dagdag sa report, kabilang sa nabanggit si COMELEC Chair Garcia.


Ayon kay Garcia, malinaw sa naging pahayag ng mga nagpakilalang dating sundalo na walang maibigay na detalye kung kailan nangyari ang sinasabing pagbibigay ng pera kahit pa napakadami ng mga ito.


Giit ni Garcia na basic sa isang akusasyon ang pagkakaroon ng panahon kung kelan nangyari ang insidente, ayon pa sa report.


Para kay Garcia walang maibigay na detalye ang mga nagpakilalang sundalo dahil walang naganap na bigayan ng pera at hindi totoo ang sinasabi ng mga ito, dagdag pa sa report.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page