top of page

Itinatayo na Fruit Park, View Deck at itatayong Tourism Center, bahagi ng pinalalakas na hakbang sa turismo sa bayan ng Tupi, South Cotabato

  • Diane Hora
  • Oct 24
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Masayang inanunsyo ni Tupi Mayor Romeo Tamayo ang mga bagong proyekto na mas magpapalakas pa sa turismo at kabuhayan ng bayan.


Isa sa mga pangunahing proyekto na kasalukuyang isinasagawa ay ang Fruit Park, na inaasahang matatapos sa susunod na taon.


Ang nasabing Fruit Park ay magiging sentro ng turismo kung saan maaaring makabili ang mga bisita ng mura at sariwang prutas, pati na rin ng mga produktong lokal sa itatayong Pasalubong Center.


Katuwang ang Provincial Tourism Office, magtatayo rin ang LGU ng Tourism Center upang magbigay ng impormasyon, gabay at serbisyo para sa mga turista.


Bukod dito, kasalukuyan ding itinatayo ang View Deck na donasyon mula kay Senator Sonny Angara, na magbibigay ng magandang tanawin ng likas na ganda ng Tupi at ng kabuuan ng South Cotabato.


Ayon kay Mayor Tamayo, ang mga proyektong ito ay bahagi ng malawakang plano ng lokal na pamahalaan upang palakasin ang turismo, lumikha ng hanapbuhay at ipakita ang tampok na mga produkto na maiaalok ng bayan ng Tupi.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page