Jamal Pandi mula sa Lanao del Sur, BARMM, nakamit ang 2 championship titles sa Men’s Singles at Doubles sa UAAP Season 88 Men’s Badminton Tournament
- Diane Hora
- 18 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Binati ng MBHTE si Jamal Rahmat Pandi matapos nitong makamit ang dalawang championship titles sa Men’s Singles at Doubles sa UAAP Season 88 Men’s Badminton Tournament.
Ang kompetisyon ay isinagawa noong October 22, 2025.
Si Jamal Rahmat o JR ay minsan nang ipinamalas ang galing sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Athletic Association o BARMAA, at patuloy na nagbibigay ng karangalan sa Bangsamoro bilang kinatawan ngayon ng Ateneo de Manila University, kung saan siya rin ay ginawaran ng Rookie of the Year Award.
Ayon sa MBHTE ang sports journey nito mula sa Bangsamoro courts hanggang sa UAAP stage — ay tunay na inspirasyon umano sa lahat ng kabataang atleta sa rehiyon.



Comments