top of page

JICA at MBHTE, pinalalakas ang ugnayan para sa kalidad ng edukasyon sa Bangsamoro

  • Diane Hora
  • Feb 2
  • 1 min read

iMINDSPH



Pinagtibay ng Japan International Cooperation Agency (JICA) at ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE) ang kanilang pagtutulungan upang higit pang mapahusay ang kalidad ng edukasyon sa Bangsamoro, kasunod ng courtesy visit sa tanggapan ng ministeryo nitong Enero 30.


Pinangunahan ng mga JICA consultant na sina Yukitoshi Matsumoto at Naoko Anzai, kasama si Noraida Manunggal ng IC Net, ang pagbisita kay MBHTE Minister Mohagher Iqbal.


Sa pulong, tinalakay ang pagpapalakas ng capacity-building programs para sa mga guro at kawani ng ministeryo, pati na ang pagtugon sa mga prayoridad na pangangailangan ng mga mag-aaral.


Muling iginiit ng magkabilang panig ang kanilang suporta at pangakong magtulungan upang itaas ang antas ng pagtuturo at pagkatuto sa rehiyon.


Ayon sa MBHTE, mahalaga ang patuloy na kooperasyon sa pagitan ng ministry at JICA upang masiguro ang sustainable at inklusibong reporma sa edukasyon, lalo na sa pagpapalakas ng kakayahan ng frontline educators at sa paglinang ng mga programang tumutugon sa aktuwal na pangangailangan ng mga mag-aaral sa Bangsamoro.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page