JICA officials, nakipagpulong kay BTA Speaker Mohammad Yacob; Ugnayan ng BARMM at JICA, pinaiigting
- Diane Hora
- 5 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Nakipagpulong ang mga opisyal ng JICA kay Parliament Speaker Mohammad Yacob upang talakayin ang pagpapatuloy ng suporta sa pamamahala, kapayapaan, at kaunlaran sa rehiyon, araw ng Huwebes, Oktubre 30.
Binigyang-diin ni Speaker Yacob ang paninindigan ng Parlamento na isulong ang democratic governance at social justice sa pamamagitan ng mga prayoridad na batas.
Ipinabatid ng mga mambabatas sa mga opisyal ng JICA ang ilang mahahalagang inisyatiba, kabilang ang panukalang budget para sa 2026, paghahanda para sa nalalapit na halalang parlamentaryo, at mga programang layong palakasin ang kakayahan ng mga kasapi ng Parlamento.
Kinilala naman ni Deputy Speaker Nabil Tan ang matagal nang suporta ng JICA, at binigyang-pugay ang patuloy nitong papel sa pagtulong sa pag-unlad ng rehiyon mula pa sa panahon ng ARMM hanggang sa kasalukuyang BARMM.
Samantala, binati ni Takehiro Kido, Senior Director ng JICA sa Pilipinas, si Speaker Yacob at muling tiniyak ang suporta ng Japan para sa mga programa ng kapayapaan at pag-unlad sa Mindanao, partikular sa imprastruktura at human security.



Comments