JORDANIAN NATIONAL, ARESTADO! Sa Pagadian City dahil sa paglabag sa Philippine Immigration Act; Inarestong indibidwal, may ugnayan ‘di umano sa mga suspek sa Sydney terrorist attack noong 2025
- Mar 3
- 1 min read
iMINDSPH

Ang suspek ay 65 taong gulang. Hinuli ito ng awtoridad sa loob ng kanyang pinapatakbong negosyo sa Pagadian City, Zamboanga del Sur.
Inaresto ang naturang banyaga ng Bureau of Immigration (BI) at Philippine National Police (PNP) dahil sa paglabag sa Philippine Immigration Act, partikular na ang pag-overstay at pagpapatakbo ng negosyo nang walang kaukulang visa o permit, ayon sa ibinahaging impormasyon ng Radyo Pilipinas.
Ayon sa ulat, lumabas din sa ginawang imbestigasyon ng 1st Infantry "Tabak" Division ng Philippine Army na ang kanyang mga business record ay may koneksyon ‘di umano sa mga suspek sa naganap na teroristang pag-atake sa "Chanukah by the Sea" malapit sa Bondi Beach sa Sydney, Australia noong Disyembre 14, 2025.
Nasa kustodiya na ngayon ng Bureau of Immigration ang suspek para sa dokumentasyon, at pagproseso sa mga kaukulang dokumento para sa kanyang pormal na deportasyon.



Comments