top of page

KAALALAI LICENSE AID INITIATIVE Cash Assistance for Board Exam Takers handog ng tanggapan ni BTA Deputy Speaker Sha Elijah Dumama-Alba

  • Mar 9
  • 1 min read

iMINDSPH



Sa ilalim ng License Aid Initiative ng tanggapan ni Deputy Speaker Atty. Sha Elijah Dumama-Alba, maglalaan ng ₱2,000 cash assistance para sa 100 board exam takers. upang makatulong sa review expenses at paghahanda para sa licensure examinations.


Upang mas marami ang mabigyan ng pagkakataon, hahatiin ang programa sa dalawang cycles. Ang unang cycle ay sa ngayong buwan ng Marso, para sa 50 beneficiaries. Ang deadline ng application ay itinakda sa March 31.


Ang ikalawang cycle naman ay sa August 2026. 50 benepisyaryo din ang mabibigyan ng cash assistance. Itinakda ang deadline ng aplikasyon sa August 31 subject to election regulations.


Ang programang ito ay bahagi ng layunin ni 𝗔𝘁𝘁𝘆 𝗟𝗮𝗶 na suportahan ang mga kabataang Bangsamoro at aspiring professionals sa kanilang edukasyon, propesyon, at kinabukasan.


Maaring mag-apply ang edad 18 pataas, may planong mag-enroll sa review center o mag-take ng licensure exam.


Kailangan lamang na magsumite ng Valid ID na may barangay address, Certificate of Indigency (for Financial Assistance purposes, Transcript of Records.


Ito ay para sa Exam Permit, Notice from PRC at Enrollment slip sa review center.

I-𝗖𝗹𝗶𝗰𝗸 lang ang Google Form link. dito sa inyong screen .Kumpletuhin ang required information at I-upload ang mga hinihinging dokumento.


🔗 𝗔𝗣𝗣𝗟𝗜𝗖𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗙𝗢𝗥𝗠 (Google form link):


Paalala ng tanggapan, limitado ang slots para sa bawat cycle kaya siguraduhin umanong tama at kumpleto ang ipapasang requirements upang maproseso ang inyong aplikasyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page