KABUHAYAN NG MGA UNLAD BENEFICIARIES Minonitor ng MSSD sa Kapalawan, SGA upang matukoy ang epekto ng programa
- Apr 14
- 1 min read
iMINDSPH

Nagsagawa ang MSSD Kapalawan Unit Office ng monitoring sa 15 benepisyaryo ng Unlad Pamilyang Bangsamoro Program o UPBP mula Abril 8 hanggang 9, 2026 sa iba’t ibang barangay sa Kapalawan.
Kasama ang social welfare officers, Community Livelihood Specialist, at Para-Social Workers, binisita ang mga benepisyaryo upang masuri ang kanilang livelihood projects.
Layunin ng monitoring na matukoy ang epekto ng programa at kung kwalipikado ang mga benepisyaryo para sa scale-up assistance o karagdagang kapital.
Batay sa monitoring, napanatili ng mga benepisyaryo ang kanilang kabuhayan at nagkaroon ng tuloy-tuloy na kita at mas maayos na antas ng pamumuhay.



Comments