top of page

KAHALAGAHAN NG ETHICAL AT RESPONSIBLE JOURNALISMB Kahalagahan ng Ethical at Resposible Journalism binigyang diin ng BARMM government, matapos gamitin ni Ramon Tulfo ang salitang “Muslim”

  • Feb 23
  • 1 min read

iMINDSPH



Ayon sa BARMM government, hindi dapat ginagamit ang relihiyon o ethnicity sa pagtukoy sa isang tao kung wala naman itong kaugnayan sa insidente


Ayon sa pahayag, buo ang suporta ng BARMM government sa panawagan ng hustisya para nasawing opisyal ng CAAP.


Dagdag ng BARMM government, ang paghahanap ng katarungan para sa biktima ay dapat manatiling pangunahing layunin at matukoy at mapanagot sa ilalim ng batas ang mga responsable.


Pero ayon sa pahayag, sa paghahangad ng hustisya, dapat din umanong tiyakin na hindi ito isinasakripisyo ang pagiging patas at ang social cohesion.


Ang paggamit anila ng mga salitang nag-uugnay sa isang krimen sa isang relihiyon, lalo na kung hindi naman umano ito mahalaga o may kinalaman sa pangyayari, ay nagdudulot ng hindi makatarungang pagtingin at diskriminasyon laban sa buong komunidad.


Nawa’y magsilbing umanong pagkakataon ang insidenteng ito para sa mas malalim na pagninilay at makabuluhang pag-uusap tungkol sa kahalagahan ng etikal, responsable, at peace-promoting journalism.


Sa isang bansang binubuo ng iba’t ibang kultura at pananampalataya, ayon sa BARMM government may mabigat umano ang bawat salita. Kaya’t tungkulin umano ng mga humuhubog ng opinyon ng publiko na gamitin ang kanilang boses at plataporma nang may pag-iingat, integridad, at mataas na antas ng pananagutan.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page