Kahalagahan ng pakikinig at kolaborasyon sa pagbuo ng matibay na mga polisiya, binigyang diin ni ICM Abdulraof Macacua sa pulong nito sa pagitan ng Presidential Office on Maritime Concerns o POMC
- Diane Hora
- 33 minutes ago
- 1 min read
iMINDSPH

Ipinahayag ni Chief Minister Abdulraof “Sammy Gambar” Macacua ang kahalagahan ng pakikinig at kolaborasyon sa pagbuo ng matibay na mga polisiya, matapos makipagpulong kahapon sa Presidential Office on Maritime Concerns o POMC.
Pinangunahann ito ni Prof. Herman Joseph Kraft, kasama sina retired Capt. Xylee Paculba, Capt. Armil Angeles at kanilang mga mananaliksik at policy specialists.
Tinalakay sa konsultasyon ang pagbabalangkas ng National Maritime Policy at National Maritime Strategy—mga pangunahing balangkas na susi sa pagbabantay sa seguridad maritima ng bansa at pagsusulong ng pangmatagalang kaunlaran.
Para sa Bangsamoro, binigyang-diin ni CM Macacua na ang mga karagatan ay hindi lamang pinagkukunan ng yaman kundi nagsisilbing daan ng kapayapaan at kaunlaran. Aniya, mahalaga na maiayon ang mga aspirasyong panrehiyon ng BARMM sa pambansang maritime agenda upang higit na mapalakas ang ugnayan at kooperasyon.
Comments