Kahandaan sa anumang uri ng kalamidad, pinaiigting ng provincial government ng Basilan sa ilalim ng adminsitrasyon ni Governor Mujiv Hataman
- Diane Hora
- Oct 23
- 1 min read
iMINDSPH

Pinulong ni Governor Mujiv Hataman ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office kung saan tinalakay ng goberandor ang pagpapalakas pa ng disaster plan ng lalawigan.
Kabilang dito ang response system, pagdaragdag ng mga kinakailangang kagamitan at pagpaplano ng mga programang pangkaligtasan upang matiyak ang mas mahusay na koordinasyon sa panahon ng sakuna.
Inilatag naman PDRRMO ang mga konkretong hakbang upang mapabilis ang pagtugon ng mga ahensya sa oras ng pangangailangan.
Binigyang-diin ni Gov. Hataman ang buong suporta ng pamahalaang panlalawigan sa pagpapalakas ng disaster preparedness ng Basilan mula sa logistics at equipment support hanggang sa koordinasyon ng iba’t ibang ahensya at lokal na pamahalaan.



Comments