Kakayahan ng mga IP na magsasaka ng mais, pinalalakas pa ng provincial government ng MagSur sa pamamagitan ng pagsasanay at pagbibigay ng Agricultural Inputs
- Diane Hora
- Oct 27
- 1 min read
iMINDSPH

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Indigenous Peoples (IP) Month ngayong Oktubre, isinagawa ng Provincial Local Government ng Maguindanao del Sur ang corn production training at pamamahagi ng agricultural inputs at machineries sa IP corn farmers.
Ito ay sa pamamagitan ng Provincial Agriculturist o OPAg sa pakikipagtulungan ng Local Government Units at Ministry of Agriculture, Fisheries, and Agrarian Reform o MAFAR.
Binigyang diin sa training ang kahalagahan ng paggamit ng modern technologies sa corn production, na nakatutok sa seed selection, soil fertility management, integrated pest management, at postharvest handling empowering farmers gayundin ang pagkakaroon ng vital knowledge at practical skills para mapahusay ang ani at produksyon.
Ang hakbang na ito ay bahagi ng Festival of Service: GIVE HEART, ang socio-economic development agenda ni Governor Datu Ali Midtimbang hatid ang holistic, inclusive, at festive services sa mamamayan ng MagSur.



Comments