top of page

KAKAYAHAN SA EMERGENCY LOGISTICS Pinalalakas pa sa BARMM; PDRRMO AT CDMMO sa rehiyon, lumahok sa Warehouse Management and Emergency Logistics Training

  • Apr 17
  • 1 min read

iMINDSPH


Kabilang ang mga tauhan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ng Maguindanao del Sur (PDRRMO-MDS) sa mga kalahok sa Warehouse Management and Emergency Logistics Training sa Cebu City, kasama ang mga kinatawan mula Tawi-Tawi, Basilan, at CDRRMO ng Marawi City.


Isinagaw ito mula April 13–16, 2026.


Kasama rin sa pagsasanay ang BARMM READi at iba pang partner agencies upang mapahusay ang koordinasyon at kakayahan sa pamamahala ng bodega at logistics sa panahon ng sakuna.


Kabilang sa mga katuwang ang Department of Social Welfare and Development Region VII, World Food Programme, at Office of Civil Defense Region VII.


Layunin ng aktibidad na mapabuti ang maayos na pag-iimbak, pamamahala, at pamamahagi ng mga relief goods upang matiyak ang mabilis at organisadong pagtulong sa mga apektadong komunidad sa oras ng emergency.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page