top of page

Kalaboso sa Entrapment Operation ang isang lalaki sa Iloilo City matapos magbenta online ng Brazillian Iguana

  • Feb 24
  • 1 min read

iMINDSPH



Arestado ang isang lalaki matapos maaktuhang nagbebenta online ng Brazillian Iguana sa isinagawang entrapment operation ng pulisya.


Ang suspek ay 43-anyos na kinilala ng awtoridad sa alyas na “Gino”.


Nasagip mula sa suspek ang isang Brazilian iguana na agad namang itinurn-over sa Department of Environment and Natural Resources para sa wastong pangangalaga at kustodiya.


Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 27(e) ng Republic Act No. 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act of 2001, kaugnay ng Section 6 ng Republic Act No. 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.


Kasalukuyang nasa kustodiya ng awtoridad ang suspek para sa wastong dokumentasyon at pagsasampa ng kaukulang kaso.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page