kampanya kontra paninigarilyo at vaping, pinaigting pa ng Cotabato City government
- Diane Hora
- Oct 10
- 1 min read
iMINDSPH

Sa pangunguna ng Cotabato City Health Office, katuwang ang Ministry of Health, nagsimula na ang paglalagay ng mga “No Smoking & Vaping” tarpaulins sa mga strategic areas sa lungsod bilang paalala sa publiko tungkol sa masamang epekto ng paninigarilyo at paggamit ng vape.
Ito ay alinsunod sa pagpapaigting ng Smoke-Free advocacy ng Cotabato City LGU.
Layunin nito na mapalakas ang kamalayan ng mga mamamayan hinggil sa mga panganib ng paninigarilyo, tulad ng sakit sa baga, puso at iba pang komplikasyon sa kalusugan.
Paalala rin ng mga awtoridad na hindi lang ang naninigarilyo ang naaapektuhan, kundi pati na rin ang mga taong nakalalanghap ng usok o secondhand smoke.
Sa patuloy na kampanya para sa isang Smoke-Free Cotabato City, hinihikayat ang lahat na makiisa tungo sa mas malinis na hangin at mas malusog na komunidad.



Comments