KAMPANYA LABAN SA CHILD LABOR Pinalalakas ng MOLE BARMM sa Special Geographic Area (SGA); 2 araw na orientation, isinagawa ng BEPW as bayan ng Kadayangan at Ligawasan
- Apr 8
- 1 min read
iMINDSPH

Layunin ng aktibidad na hindi lang magbigay ng kaalaman, kundi mag-udyok ng konkretong aksyon sa grassroots level para maprotektahan ang karapatan ng mga bata—lalo na sa mga komunidad na may mataas na exposure sa child labor.
Dumalo sa orientation ang mga opisyal at kawani ng municipal at barangay LGUs, kasama ang mga kinatawan mula sa Public Employment Service Office (PESO), Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), at iba pang community stakeholders—isang indikasyon ng whole-of-community approach sa isyu.
Pinangunahan nina BEPW Director Sara Jane Sinsuat at MOLE SGA Field Office Supervising Labor and Employment Officer Moctar Macalipat ang talakayan na tumutok sa malinaw na pag-differentiate ng “child labor” at “child work,” pati na rin sa umiiral na legal framework sa ilalim ng Bangsamoro Labor and Employment Code (BLEC).
Tinalakay rin ang realidad ng child labor sa agricultural sector, Islamic perspectives hinggil sa proteksyon ng kabataan, at ang mas malawak na larawan ng child labor—mula global hanggang lokal na konteksto.
Nagsagwa rin ng poster-making activity, sa pamamagitan nito, inihayag ng mga kalahok ang dahilan at epekto ng child labor sa kanilang komunidad. Nagpanukala rin ang mga ito ng solusyon kung paano maiwasan ang child labor.
Binigyang diin ng LGU na palakasin ang Barangay Council para sa proteksyon ng mga kabataan sa bawat barangay sa pamamagitan ng capacity-building, at maglatag ng ordinansa para bumuo ng komite laban sa child labor.
Para sa mga lokal na pamahalaan, hindi lang umano ito awareness campaign—kundi simula ng mas sistematikong laban para matiyak na ang bawat batang Bangsamoro ay ligtas, may proteksyon, at may pagkakataong mag-aral at umunlad.



Comments