Kampanyang Ligtas Tigdas ng DOH, muling aarangkada ngayong buwan ng Enero hanggang Pebrero
- Jan 12
- 1 min read
iMINDSPH

Sa ilalim ng programang “LIGTAS TIGDAS 2026”, hinihikayat ng Ministry of Health ang mga magulang at tagapag-alaga na pabakunahan ang mga batang edad 6 hanggang 59 na buwan sa itinakdang immunization period mula Enero 19 hanggang Pebrero 13, 2026.
Ayon pa sa MOH, maaaring magtungo ang mga magulang sa pinakamalapit na health center at vaccination sites sa kani-kanilang lugar upang makalahok sa libreng pagbabakuna.
Binigyang-diin ng ahensya na nananatiling isa ang tigdas sa mga sakit na madaling kumalat, lalo na sa mga batang hindi pa nababakunahan, kaya mahalaga ang maagap at kumpletong immunization.
Patuloy namang hinihikayat ng pamahalaan ang publiko na suportahan ang kampanya bilang mahalagang hakbang sa pangangalaga ng kalusugan ng kabataan at sa pagpigil ng posibleng outbreak ng tigdas at rubella sa rehiyon.



Comments