top of page

Kapitan ng Panadtaban, Rajah Buayan, Maguindanao del Sur, at pinsan nito, patay sa pananambang

  • Jan 8
  • 1 min read

iMINDSPH



Nasawi sa pananambang ang barangay kapitan ng Panadtaban, Rajah Buayan, Maguindanao del Sur at pinsan nito.


Nangyari ang insidente alas 9:40 ng umaga, araw ng Miyerkules, January 7.


Kinilala ng awtoridad ang barangay kapitan na si Norodin Sindatukan Utto Jr., at ang pinsan nito na si Arto Utto Mangilala.


Dead on the spot si Arto ayon sa awtoridad. Naisugod pa sa pagamutan ang kapitan pero binawian din umano ng buhay.


Nakuha sa pinangyarihan ng krimen ang tatlong (3) fired cartridge cases na mula sa hinihinalang caliber 5.56mm.


Ang mga ebidensyang narekober ay isusumite sa Provincial Forensic Unit (PFU) ng Maguindanao del Sur para sa ballistic examination.


Patuloy ang koordinasyon ng Rajah Buayan MPS sa pamilya ng mga biktima para sa mas malalim na imbestigasyon kaugnay ng insidente.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page