KAPYANAN, nagsagawa ng Mid-Year Assessment at Gender Sensitivity Training
- Diane Hora
- Aug 5
- 1 min read
iMINDSPH

Tinalakay ng KAPYANAN ang mga natamong tagumpay, mahahalagang milestone, at mga hamon na kinaharap sa pagpapatupad ng programa sa iba’t ibang lalawigan ng rehiyon sa dalawang araw na Mid-Year Assessment at Gender Sensitivity Training.
Ginanap ang pagsasanay sa Zamboanga City mula a-1 hanggang a-2 ng Agosto.
Dumalo sa naturang aktibidad sina Assistant Senior Minister at KAPYANAN Project Manager Abdullah Cusain, mga pinuno ng yunit, technical staff, at mga provincial coordinators mula sa mga lalawigan ng Tawi-Tawi, Basilan, at Sulu.
Binigyang-diin ni Cusain ang mga pangunahing punto mula sa mid-year assessment, lalo na ang kahalagahan ng impormasyong nakalap mula sa iba’t ibang probinsya.
Ipinahayag niya ang pasasalamat sa Allah (Diyos) para sa mga tagumpay ng programa at ang kanyang pag-asa na magpapatuloy pa ang mga proyekto sa pabahay ng KAPYANAN para sa mas maliwanag na kinabukasan.
Nagbigay daan din ang pagsasanay para sa mas matibay na collaborative planning at pagpapahusay ng koordinasyon at epekto ng serbisyo sa mga komunidad.
Ang KAPYANAN Program ay patuloy na isa sa mga pangunahing programa ng Office of the Chief Minister Abdulraof “Sammy Gambar” Macacua, na nakatuon sa pagbibigay ng disenteng pabahay, suporta sa kabuhayan, at mga pagsasanay para sa pamahalaang pangkomunidad alinsunod sa mga prinsipyo ng Moral Governance.



Comments