KAPYANAN Team, 1st Place sa DOTA 2 tournament ng BARMM Foundation Day 2026
- Diane Hora
- Jan 21
- 1 min read
iMINDSPH

Nagwagi bilang First Placer ang koponan ng Kapayapaan sa Pamayanan o KAPYANAN Program sa DOTA 2 Tournament na inorganisa ng Bangsamoro Information and Communication Technology Office sa ilalim ng Office of the Chief Minister.
Isinagawa ang torneo noong Enero 19, 2026 sa Net Central, Cotabato City, bilang bahagi ng mga aktibidad para sa Bangsamoro Foundation Day 2026.
Ipinamalas ng KAPYANAN Team ang mataas na antas ng disiplina, estratehiya, at matibay na teamwork—mga katangiang nagdala sa kanila sa tuktok ng kompetisyon. Ang kanilang pagkapanalo ay patunay ng dedikasyon, sipag, at malasakit hindi lamang sa laro, kundi sa diwa ng sportsmanship at pagkakaisa.
Ang naturang torneo ay dinaluhan ng iba’t ibang koponan na nagpakita ng matinding laban para sa titulo, dahilan upang maging mas makabuluhan ang tagumpay ng KAPYANAN Team.
Pinapurihan ang KAPYANAN Team sa kanilang natatanging performance na nagsisilbing inspirasyon sa kabataang Bangsamoro—na sa pamamagitan ng disiplina, pagtutulungan, at determinasyon, abot-kamay ang tagumpay sa anumang larangan.



Comments