Kargador, Arestado sa anti-drug buy-bust operation ng pulisya sa Barangay Mapaca, Compostela, Davao del Oro
- Feb 25
- 1 min read
iMINDSPH

Naaresto ang isang kargador sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Barangay Mapaca.
Naaresto sa operasyon ang suspek na kinilalang alyas “Arvie”, 31-anyos at residente ng nasabing barangay. Nahaharap siya sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Nakumpiska mula sa suspek ang isang sachet ng hinihinalang shabu, marked buy-bust money, at karagdagang mga sachet na naglalaman ng hinihinalang ilegal na droga.
Isinagawa ang joint anti-illegal drugs operation ng mga tauhan ng Compostela Municipal Police Station katuwang ang 1st Davao de Oro Provincial Mobile Force Company at Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office XI.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Compostela Municipal Police Station ang suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya para sa wastong dokumentasyon at pagsasampa ng kaukulang kaso sa korte.



Comments