Kinatawan mula sa Arkcons A.P.O Philippines Corp., nakipagpulong kay Sultan Mastura Mayor Datu Armando Mastura
- Diane Hora
- Aug 25
- 1 min read
iMINDSPH

Nakipagpulong ang mga kinatawan mula sa Arkcons A.P.O Philippines Corp. sa Tanggapan ni Sultan Mastura Mayor Datu Armando Mastura, at tinalakay ang pagpapatupad ng 69kV Transmission Line Project sa mga bayan ng Simuay, Sultan Mastura, at Parang.
Pinag-usapan din sa pulong ang koordinasyon sa mga may-ari ng lupa, tree trimming permits at negosasyon, pole relocation addendum, at ang itinakdang alignment ng transmission lines sa bawat bayan.
Ang pagpupulong ay bahagi ng patuloy na ugnayan sa pagitan ng LGU at Arkcons A.P.O Philippines Corp., sa pamumuno ni President and CEO Gamirin Jerico Bajo, upang matiyak ang maayos at matagumpay na implementasyon ng proyektong makikinabang ang mga mamamayan ng rehiyon.



Comments