Konsehal ng Nabalawag, SGA, nakaligtas sa pamamaril
- Teddy Borja
- 5 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Nakaligtas sa pamamaril ang isang konsehal ng Nabalawag, Special Geographic Area.
Agad namang tumakas ang suspek sa pamamaril.
Kinilala ang biktima na si Taimama Kamidun Tapanding, 44 anyos, may asawa at kasalukuyang Municipal Councilor ng bayan ng Nabalawag, Special Geographic Area.
Sa report ng pulisya, bandang alas otso y medya kagabi, naganap ang pamamaril sa Barangay Olandang.
Abala si Tapanding sa pag-inspeksyon ng kanyang sasakyan na nakaparada sa labas ng kanilang tahanan nang biglang sumulpot ang dalawang armadong lalaki at pinaputukan ito gamit ang hindi pa matukoy na kalibre ng baril.
Hindi tinamaan ang biktima habang tumakas naman ang mga salarin matapos ang insidente patungong Barangay Kadigasan.
Agad namang nagsagawa ng koordinasyon ang mga tauhan ng Nabalawag MPS sa mga opisyal ng Barangay Olandang, Alpha Company ng 34th Infantry Battalion, Philippine Army at 1405th Regional Mobile Force Company para sa posibleng pagkakakilanlan at pagkakaaresto ng mga suspek.
Patuloy ngayon ang imbestigasyon at pursuit operations ng mga otoridad upang matukoy ang motibo at mga responsable sa tangkang pagpatay.



Comments