top of page

Konstruksyon ng 2-storey 8 classroom building sa Gadungan High School, sisimulan na

  • Diane Hora
  • Jan 30
  • 1 min read

iMINDSPH



Pormal na isinagawa ngayong araw ang ground breaking ceremony para sa phase I ng itatayong 2-storey 8 classroom building sa Gadungan High School


Pinangunahan ni Parang, Maguindanao del Norte Mayor Cahar Ibay ang ground breaking ceremony.


Pinondohan ang proyekto mula sa 20% Development Fund ng lokal na pamahalaan na abot sa mahigit-kumulang 20 million pesos.


Ayon kay Mayor Ibay, sa susunod na linggo ay sisimulan na ang konstruksyon ng naturang pasilidad sa ilalim ng pamamahala ng LGU


Mayor Cahar Ibay

Parang, Maguindanao del Norte


Layon ng proyektong ito na matugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral mula sa mga liblib na lugar.


Binigyang diin ng alkalde ang kahalagahan ng edukasyon.


Isa-isa ring nagbahagi ng kani-kanilang mensahe ng suporta sina PCOL Victor Rito, Provincial Director ng Maguindanao del Norte; Maj. Chito Wamil, PN, Commanding Officer ng 2nd Marine Battalion (2MRBN); at SDS Norie Mamalinta, Schools Division Superintendent ng MBHTE.


Naghayag naman ng pasasalamat ang punong guro ng Gadungan High School para sa tulong na natanggap.


Ang proyekto ayon sa LGU parang, isang patunay na prayoridad ng lokal na pamahalaan ang sektor ng edukasyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page