Konstruksyon ng 3 makeshift classrooms sa Pandan National High School, malapit nang matapos sa tulong ng Maguindanao del Sur Provincial Government
- Diane Hora
- 2 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Sa layuning matulungan ang komunidad ng Pandan, South Upi at magkaroon ng maayos na silid aralan ang mga mag-aaral doon, malapit nang matapos ang konstruksyon ng tatlong makeshift classrooms sa Pandan National High School dahil sa tulong pinansyal na ibinigay ni Governor Datu Ali Midtimbang, Sr.
Lubos ding nagpapasalamat ang paaralan sa mga nagpasimuno ng inisyatiba, Mayor Nathaniel Midtimbang, Vice Mayor Joy Midtimbang, Vice Mayor Reynalbert Insular at Warlito Bansigan ng IPMR.
Ayon sa PTA at mga guro ng paaralan, ang suportang ito ay may malaking maitutulong sa kaginhawaan ng mga mag-aaral at malaking hakbang tungo sa mas maayos at komportableng pagkatuto.
Sa pagtatapos ng proyekto, inaasahang mas marami pang kabataang Bangsamoro ang magkakaroon ng ligtas at maayos na silid-aralan.



Comments