top of page

Konstruksyon ng 69KV subtransmission line na magmumula sa Simuay, Sultan Kudarat patungong Nituan, Parang, tinalakay sa isinagawang collaboration at coordination meeting sa bayan ng Parang

  • Diane Hora
  • Jan 19
  • 1 min read

iMINDSPH


Pinangunahan ni Mayor Cahar Ibay ang isinagawang collaboration at coordination meeting na dinaluhan ng mga opisyal ng Maguindanao Electric Cooperative o MAGELCO, sa pangunguna ng NEA-assigned Acting General Manager Suraina Kalid, mga kinatawan ng Cotabato Light, at ng Arkcons Corporation project team.


Tinalakay sa pulong ang mga isyung teknikal at operational concerns kaugnay ng konstruksyon ng 69 kV subtransmission line na magmumula sa Simuay, Sultan Kudarat patungong Nituan, Parang.


Ang proyekto ay sinimulan noong gobernador pa ng Maguindanao del Norte ang ngayo’y BARMM Interim Chief Minister Abdulraof Macacua.


Patuloy itong ipinatutupad sa ilalim ng pangangasiwa ng Provincial Local Government Unit ng Maguindanao del Norte, sa pamumuno ni Governor Datu Tucao Mastura.


Ayon sa mga opisyal, layon ng proyektong ito na patatagin ang boltahe ng kuryente, pahusayin ang reliability ng power system, at maiwasan ang malawakang brownout, na mahalaga sa pagpapanatili ng ekonomikong aktibidad at sosyo-ekonomikong pag-unlad sa lalawigan.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page