Konstruksyon ng Balabagan-Parang Road, Parang-East Diversion Road at Parang-Manuangan Road, sisimulan na ng DPWH
- Diane Hora
- 8 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH
Bumaba sa Maguindanao del Norte si DPWH Senior Undersecretary Engr. Emil Sadain at nakipagpulong kay Parang Mayor Cahar Ibay para sa pagsisimula ng konstruksyon ng Balabagan-Parang Road, Parang-East Diversion Road at Parang-Manuangan Road.
Ayon sa mga opisyal, ang mga proyektong ito ay bahagi ng flagship infrastructure initiative ng national government na pinondohan ng Japan International Cooperation Agency (JICA).
Ang proyekto ay inaasahang magbibigay ng malaking tulong sa pag-unlad ng rehiyon, partikular sa pagbubukas ng mas maraming oportunidad sa ekonomiya, kalakalan, at transportasyon para sa mga mamamayan ng Bangsamoro.


Comments