Konstruksyon ng phase II ng MSU, Maguindanao del Norte Infirmary Hospital, nagtapos na; phase III, sisimulan na rin ang pagpapatayo
- Jan 16
- 1 min read
iMINDSPH

Magagamit na ang phase II ng MSU, Maguindanao Infirmary Hospital sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.
Dumalo sa pagbubukas ng ospital si Congresswoman Bai Dimple Mastura. Kasabay nito, isinagawa rin ang grounbreaking para sa pagsisimula ng konstruksyon ng phase III ng pagamutan. Dumalo si Cong. Bai Dimple Mastura sa Ribbon Cutting ng Phase II at Groundbreaking ng Phase III ng MSU, Maguindanao Infirmary Hospital sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.
Kaisa ang mambabatas sa pagsuporta sa pagpapaunlad ng mga health facility sa kanyang distrito.
Aniya ang proyektong ito ay direktang pinakikinabangan ng mga estudyante, guro, kawani, at mga komunidad sa paligid ng unibersidad.
Bilang kinatawan ng Maguindanao del Norte, patuloy umano niyang itinataguyod ang mga proyektong nagdadala ng mas maayos, mas mabilis, at mas abot-kayang serbisyong medikal sa mga mamamayan.
Ayon sa tanggapan ni Rep. Mastura, ang serbisyong pangkalusugan ay hindi pribilehiyo, ito ay karapatan ng bawat Bangsamoro at Pilipino.



Comments