KULANG HANGGANG SA WALANG SUPPLY NG TUBIG ang 13 barangay sa Cotabato City kasunod ng pansamantalang pag-shutdown ng Biniruan Plant Water Supply dahil sa tumataas umano na salinity ng Biniruan River
- Apr 17
- 1 min read
iMINDSPH

Ganito ang sitwasyon sa ibinahaging video ng mga residente sa Purok Bagong Silang, Sesame Street, Rosary Heights 3, Cotabato City.
Makikita ang mga nakapilang balde at lalagyan ng tubig, habang ang ilan ay nag-aabang ng ipinamamahaging tubig.
Ayon sa pamunuan ng Metro Cotabato Water District, ang dahilan ng water interruption at pagbabago ng water schedule ay ang pansamantalang pagsara ng Biniruan Plant Water Supply noong April 10.
Agad naman na nagkaroon ng aksyon ang pamunuan sa nasabing problema sa suplay ng tubig.
Binigyang linaw din ng Metro Cotabato Water District, ang ilan pang isyu bukod sa kakulangan sa tubig, kabilang ang amoy at pagkalabo ng tubig sa ilang lugar.
Nilinaw din ng water district na hindi maaapektuhan ang billing sa mga apektadong barangay.
Sa gitna ng krisis sa suplay ng tubig, sinabi ng pamunuan na hindi muna sila magpapataw ng penalty at hindi rin magpuputol ng koneksyon sa mga barangay na hindi makakabayad dahil sa epekto ng water interruption.



Comments