top of page

Kumakalat na post sa social media hinggil sa umano’y paghimok ng PNP Chief na suwayin ang mga utos ng Pangulo, fake news ayon sa PNP

  • Diane Hora
  • 19 hours ago
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Sa ibinahaging impormasyon ng Radyo Pilipinas,


Sa impormasyon na inilabas ng PNP Public Information Office, ang mga kumakalat na post ay anila’y malisyoso, gawa-gawa at layuning magpakalat ng kalituhan at siraan ang kanilang institusyon.


Kasunod nito, muling tiniyak ng PNP ang kanilang katapatan sa Saligang Batas at susunod sa mga kautusan ng kanilang Commander in Chief nang naaayon sa batas, at iba pang mga itinakdang taga pamuno ng bansa, ayon pa sa report.


Giit ng PNP, ang kanilang katapatan ay para sa mga Pilipino gayundin sa pag-iral ng batas kaya't kanilang itinataguyod ang mataas na pamantayan ng integridad, disiplina at propesyunalismo.


Kasalukuyan nang iniimbestigahan ng PNP ang mga kumakalat na post upang mapanagot sa batas ang mga nasa likod nito.


Kaya't hinikayat nito ang publiko na maging mapanuri at siguruhing mapagkakatiwalaan ang pinagkukunan ng impormasyon, dagdag pa sa report.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page