Kumander Hamsa Sangki Kindo at Ampatuan, Maguindanao del Sur Mayor Rasul Mabang Sangki, tinuldukan na ang hindi pagkakaunawaan
- Diane Hora
- Oct 8
- 1 min read
iMINDSPH

Sa pangunguna ni Governor Datu Ali Midtimbang sa tulong ni 601st Brigade Commander Brigadier General Edgar Catu, tinuldukan na nina 118th Base Commander Hamsa Sangki Kindo at Ampatuan, Maguindanao del Sur Mayor Rasul Mabang Sangki ang di pagkakaunawaan.
Ginanap ang pagkakasundo ng magpinsa sa Talayan, Maguindanao del Sur na dinaluhan ng provincial at LGU officials sa pangunguna ni LMP President Mayor Nath Midtimbang, PNP at iba pang sektor.
Lumagda ang magkabilang panig sa isang kasunduan pagkatapos ng dayalogo upang mas lalong mapagtibay ang kanilang pagkaka unawaan at pagkakasundo.



Comments