top of page

Kumander ng MNLF na kasalukuyang barangay kagawad ng Matagabong, Ampatuan, Maguindanao del Sur at anak nito na miyembro ng Peace Action Team ng barangay, nasawi sa pamamaril; Anak na babae, sugatan

  • Teddy Borja
  • Oct 13
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Patay ang isang kumander ng Moro National Liberaton Front o MNLF at kasalukuyang barangay kagawad ng Matagabong, Ampatuan, Maguindanao del Sur matapos pagbabarilin habang sakay ng payong-payong.


Nasawi rin sa pamamaril ang lalaking anak nito na miyembro ng Barangay Peace Action Team habang sugatan naman ang anak na babae.


Sa report ng awtoridad, naganap ang pamamaril alas 8:30 kaninang umaga sa Barangay Kapinpilan, Ampatuan, Maguindanao del Sur.


Kinilala ang nasawing kagawad at miyembro ng MNLF na si Kumander Negro at ang nasawi ring anak na si Nor, habang sugatan ang babaeng anak ni Kumander Negro na si Jah.


Inaalam pa ng awtoridad ang motibo sa krimen.


Sa imbestigasyon ng awtoridad, sakay ng payong-payong ang mga biktima mula Barangay Matagabong patungong Kapinpilan para dumalo sana sa isang selebrasyon.


Pagsapit umano sa nabanggit na lugar, agad silang piagbabaril ng hindi pa kilalang mga suspek na sakay ng motorsiklo.


Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Ampatuan Municipal Police upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga salarin.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page