LABOR TRAININGS isinagawa ng BLRS-MOLE sa Basilan kung saan benepisyaryo ang mga micro establishment at manggagawa ng lalawigan
- Apr 7
- 2 min read
iMINDSPH

Ang mga micro establishments at manggagawa ang benepisyaryo sa serye ng labor trainings na isinagawa ng Bureau of Labor Relations and Standards ng Ministry of Labor and Employment (BLRS-MOLE) noong Marso 25–26, 2026 sa Lamitan Plaza Kitchenette.
Layunin ng mga aktibidad na palakasin ang pagsunod sa labor standards, workplace safety, at ugnayan ng pamunuan at manggagawa sa lokalidad.
Sa unang araw, isinagawa ang Occupational Safety and Health-Network (OSH-Net) Consultative Meeting kung saan tinalakay ang mga polisiya sa kaligtasan sa trabaho, kabilang ang Department Order No. 11058 at ang mga implementing rules nito, pati na ang updates sa pagpapatupad ng OSH standards sa ilalim ng DOLE Department Order No. 252, series of 2025.
Binigyan din ng orientation ang mga kalahok hinggil sa Labor Advisory No. 15-25 na nakatuon sa kahalagahan ng kahandaan at proteksyon sa karapatan ng mga manggagawa sa panahon ng krisis o panganib.
Nagsagawa rin ng Orientation Seminar hinggil sa Technical Advisory Visit para sa Micro Establishments upang gabayan ang mga small business owners sa pagsunod sa labor standards. Tinalakay dito ang technical advisory services, general labor standards, at mga pangunahing probisyon ng OSH laws, kabilang ang compliance checklist na ginagamit sa site visits.
Nagtapos ang serye ng aktibidad noong Marso 26 sa pamamagitan ng Orientation Seminar on Labor-Management Cooperation na nagbigay-diin sa kahalagahan ng bukas na komunikasyon at pagtutulungan sa pagitan ng employer at empleyado.
Pinangunahan ang mga programa ng BLRS team sa pamumuno ni Engr. Edwin Alvarez, Labor and Employment Officer II, sa ngalan ni Director Abdulrakman Nor, katuwang ang MOLE-Basilan Field Office na pinamumunuan ni Supervising LEO Amna Farrah Alihuddin.
Ayon sa MOLE, patuloy nilang sinusuportahan ang mga workplace sa Basilan sa pamamagitan ng pagbibigay ng praktikal na gabay upang matiyak na naipatutupad nang maayos ang mga polisiya sa paggawa.



Comments