top of page

LALAKI, ARESTADO matapos makuhanan ng smuggled cigarettes sa Midsayap sa isinagawang anti-smuggling operation ng mga awtoridad

  • 3 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH


Sa Midsayap, Cotabato —

Arestado ang isang indibidwal matapos makumpiskahan ng mga smuggled cigarettes sa isinagawang anti-smuggling operation ng mga awtoridad. Isinagawa ang operasyon bandang alas-9:20 ng umaga, araw ng Miyerkules, March 25, sa pamamagitan ng joint operatives ng Midsayap Municipal Police Station at mga partner units bilang bahagi ng kanilang saturation drive laban sa smuggling.


Nahuli ang suspek habang nasa kanyang possession ang mga kahon ng pinaniniwalaang smuggled cigarettes.


Sa operasyon, nakumpiska ang kabuuang walumpung (80) reams ng smuggled cigarettes na may tinatayang halagang ₱68,454.40.


Ipinaalam sa suspek ang kanyang mga karapatan at agad siyang dinala sa kustodiya ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.


Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 10643 o Graphic Health Warnings Law.


Kasalukuyang inihahanda ng awtoridad ang pagsasampa ng kaso laban sa suspek.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page