top of page

Lalaki arestado sa anti-illegal drug operation sa Monkayo, Davao de Oro; Hinihinalang shabu at iba pang ebidensya, nasamsam

  • Jan 8
  • 1 min read

iMINDSPH


Timbog ng mga awtoridad ang isang suspek sa isang ikinasang anti-illegal drug operation.


Arestado ang suspek na kinilala sa alyas na “Erwin”, 45-anyos, isang barker.


Nakumpiska mula sa suspek ang dalawang heat-sealed sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, isang itim na pitaka, at isang ₱1,000 bill na ginamit bilang buy-bust money.


Isinailalim sa wastong marking, inventory, at dokumentasyon ang mga nakuhang ebidensya.


Kasalukuyang nasa kustodiya ng Monkayo Municipal Police Station ang suspek at ang mga nasamsam na ebidensya para sa wastong disposisyon at paghahain ng kaukulang kaso sa paglabag sa Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page