Lalaki, arestado sa buy-bust operation; Hinihinalang shabu at buy-bust money, nasamsam
- Jan 20
- 1 min read
iMINDSPH

Arestado ang isang lalaki matapos mahulihan ng hinihinalang ilegal na droga sa isinagawang anti-illegal drug buy-bust operation. Nasamsam mula sa suspek ang ilang heat-sealed sachet ng hinihinalang shabu, marked buy-bust money, at isang candy canister na ginamit umano sa pagtatago ng ilegal na droga.
Ang suspek at lahat ng nakumpiskang ebidensya ay kasalukuyang nasa custody ng Maco Municipal Police Station para sa wastong dokumentasyon, disposisyon, at laboratory examination ng mga nakuhang droga.
Inihahanda na ng pulisya ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa suspek.



Comments