top of page

Lalaki, arestado sa buy-bust operation ng pulisya; Hinihinalang shabu, nasamsam

  • Jan 6
  • 1 min read

iMINDSPH


Kinilala ng pulisya ang suspek na si alyas “Dhea”, 34 taong gulang, binata, self-employed at residente ng MB Bagua, Cotabato City.


Sa nasabing operasyon, matagumpay na nakabili ang isang pulis na nagpanggap na poseur buyer, sa tulong ng isang confidential informant, ng isang sachet ng hinihinalang shabu na may tinatayang timbang na 0.08 gramo at may standard drug price na ₱544, dahilan upang agad na arestuhin ang suspek.


Narekober din mula sa kanyang pag-iingat ang ₱500 na marked money na ginamit sa transaksyon.


Dinala sa Police Station 1 para sa booking, medical at drug testing ang suspek, habang ang nakumpiskang ebidensya ay isinailalim na sa pagsusuri.


Inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa suspek.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page