top of page

Lalaki, arestado sa checkpoint operation sa Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao del Sur matapos makuhanan ng suspected shabu

  • Jan 7
  • 1 min read

iMINDSPH



Arestado sa checkpoint operation ng awtoridad ang isang lalaki matapos makuhanan ng hinihinalang shabu .


Sa report ng pulisya sa lugar, nakatanggap umano sila ng impormasyon mula sa isang confidential informant hinggil sa isang kahina-hinalang indibidwal na papalapit sa checkpoint. Inilarawan ang suspek na nakasuot ng short pants at itim na long-sleeved shirt, sakay ng itim na motorsiklo na may sidecar.


Bandang alas-3:30 ng hapon nang dumating sa checkpoint ang nasabing motorsiklo at agad na pinara ng mga awtoridad. Napansin umano ng mga pulis na balisa ang suspek habang hinihingan ng driver’s license.


Habang kinukuha umano ng suspek ang kanyang lisensya mula sa pitaka, napansin ng mga pulis ang isang transparent plastic sachet sa bulsa nito.


Sa isinagawang search, narekober mula sa suspek ang mga sumusunod:


[GRAPHICS]

— Dalawang (2) plastic sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 0.8 at 0.2 gramo, na may tinatayang halagang ₱6,800.00

— Drug paraphernalia

— Isang CT125 Kawasaki motorcycle na may sidecar

— ₱180.00 cash

— Isang lighter

— Driver’s license

— Isang Samsung Android cellphone

— Isang wallet


Isinagawa ang marking, photography, at inventory ng mga ebidensya sa mismong lugar ng pag-aresto sa presensya ng suspek, isang barangay kagawad, at isang kinatawan ng media.


Kasalukuyang nasa kustodiya ng Datu Saudi Ampatuan MPS ang suspek para sa tamang dokumentasyon at pagsasampa ng kaukulang kaso sa korte.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page