top of page

Lalaki, arestado sa checkpoint operation sa Marawi City; Mahigit P84k halaga ng hinihinalang shabu, nakumpiska ng awtoridad

  • Teddy Borja
  • Sep 1
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Timbog ang isang lalaki matapos mahulihan ng suspected shabu sa isinagawang checkpoint operation.


Naganap ang insidente sa Barangay Patani, alas 10:00 ng gabi, araw ng Huwebes, August 28.


Ayon sa ulat, pinara ng mga pulis ang isang motorsiklo sa checkpoint. Napansin ng mga operatiba ang suspek na nagtangkang itapon ang isang itim na plastic cellophane sa madilim na bahagi ng lugar.


Nang siyasatin, natagpuan dito ang apat (4) na heat-sealed transparent plastic sachets ng hinihinalang shabu.


Umabot sa 12.42 gramo ang kabuuang timbang ng nakumpiskang droga na tinatayang nagkakahalaga ng ₱84,456.00 sa merkado.


Agad na inaresto ang suspek at kasalukuyang nakadetine habang inihahanda ang kaukulang kasong kriminal laban sa kanya sa ilalim ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page