top of page

LALAKI, ARESTADO Sa pagbebenta ng iligal na droga sa Cotabato City

  • 7 hours ago
  • 1 min read

iMINDSPH



Sa Cotabato City—

Arestado ang isang garbage collector matapos maaktuhan sa buy-bust operation na isinagawa ng mga awtoridad sa palengke sa Mother Poblacion


Kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Ameril”, 27 anyos, residente ng Extension, Poblacion 2, Cotabato City.


Sa operasyon, matagumpay na nakabili ang poseur buyer ng isang sachet ng hinihinalang shabu na may tinatayang bigat na 0.1 gramo at nagkakahalaga ng ₱680.


Sa isinagawang search, narekober mula sa suspek ang buy-bust money na nagkakahalaga ng ₱500.


Isinagawa ang buy-bust operation ng Station Drug Enforcement Team ng Police Station 3, Cotabato City Police Office, katuwang ang iba pang unit at sa koordinasyon ng PDEA-BARMM.


Inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa suspek.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page