Lalaki, arestado sa Sultan Mastura, Maguindanao del Norte sa ikinasnag anti-illegal drug operation
- Teddy Borja
- Jan 14
- 1 min read
iMINDSPH

Arestado ang isang indibidwal sa ikinasang anti-illegal drug operasyon sa bayan ng Sultan Mastura.
kinilala ang suspek sa alyas na “Macoy”, 54-anyos, may asawa, at residente ng nasabing barangay. Ang suspek ay isang newly identified drug personality at agad na pinosasan.
Isinagawa ang operasyon bandang alas-9:10 ng gabi, January 12, matapos makatanggap ng impormasyon ang pulisya mula sa isang barangay official hinggil sa umano’y talamak na ilegal na droga sa lugar. Pagdating ng mga awtoridad sa Barangay Dagurongan, agad na nakumpirma ang ulat na nagresulta sa agarang pagkakaaresto ng suspek.
Isinagawa sa lugar ng pagkakaaresto ang inventory, marking, at pagkuha ng litrato ng mga nasamsam na ebidensya, sa presensya ng suspek at ng mga witness, alinsunod sa Section 21 ng Republic Act 9165.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Sultan Mastura Municipal Police Station ang suspek at haharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments