top of page

Lalaki at babae na Regional Level Most Wanted Person, tiklo sa Manhunt Charlie Operation sa Lambayong, Sultan Kudarat

  • Teddy Borja
  • Jan 20
  • 1 min read

iMINDSPH



Timbog ang isang lalaki at isang babae na Regional Level Most Wanted Persons sa isinagawang Manhunt Charlie ng otoridad sa Lambayong, Sultan Kudarat.


Huli sa manhunt operation charlie sa Purok Baliwan, Barangay Pinguiaman, Lambayong Sultan Kudarat ang 60 anyos na si alyas “Ainie” at ang 55 years old na si alyas “Jim”, a-17 ng Enero.


Ang dalawa na residente ng Barangay Barurao, Sultan sa Barongis, Maguindanao del sur ay nasa listahan ng Top 10 Most Wanted Persons ng rehiyon dose at may standing Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa Section 11 Article II of RA 9165 or the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


Dinala sa Sultan Kudarat PFU-CIDG 12 ang dalawang naaresto.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page