Lalaki na kabilang sa Top 10 Most Wanted Person ng Cotabato Provincial Police Office, arestado matapos isilbi ang warrant of arrest sa kasong may kinalaman sa ilegal na droga
- Teddy Borja
- Dec 11
- 1 min read
iMINDSPH

Sa Kabacan, Cotabato Province — timbog ang 27-anyos na lalaki na kabilang sa listahan ng Top 10 Most Wanted Person ng Cotabato Provincial Police Office matapos isilbi ang warrant of arrest sa kasong may kinalaman sa ilegal na droga. Hinuli ang suspek na kinilala sa alyas na “Kulot” noong Martes, December 9, sa Barangay Poblacion ng bayan.
Ang warrant of arrest ay inisyu ng Regional Trial Court 12, Kabacan, Cotabato.
Walang piyansa ang kaso.
Dinala na sa Kabacan Municipal Police Station ang suspek para sa dokumentasyon at tamang disposition.



Comments