top of page

Lalaki na kabilang sa Top 10 Regional Most Wanted ng PNP PRO 12 na nahaharap sa kasong murder, nasawi matapos umanong manlaban sa awtoridad sa kasagsagan ng pagsisilbi ng warrant of arrest sa Pikit, C

  • Jan 6
  • 1 min read

iMINDSPH



Nasawi ang isang lalaki na kabilang sa listahan ng Top 10 Most Wanted Person ng PNP PRO 12 matapos ang engkwentro sa pagitan ng pulisya at ng suspek sa pagsisilbi ng warrant of arrest.


Kinilala ang suspek sa alyas na “Laga”.


Sa report ng pulisya, habang papalapit umano ang mga operatiba, bigla umanong bumunot ng caliber .45 pistol ang suspek at pinaputukan ang operating team na nagresulta umano sa palitan ng putok.


Dagdag ng awtoridad, tinamaan ng bala ang suspek at agad na isinugod sa Cruzado Medical Hospital, subalit idineklara umanong dead on arrival ng attending physician.


Ang warrant of arrest laban sa suspek ay inisyu ng Regional Trial Court, 12th Judicial Region, Branch 24, Midsayap, North Cotabato noong Nobyembre 13, 2024, at walang inirekomendang piyansa.


Narekober sa suspek ang isang .45 caliber Colt pistol at sampung mga bala.


 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page