Lalaki na nag-costume ng uniporme ng pulis sa isang halloween party, pinahaharap sa NAPOLCOM
- LERIO BOMPAT
- 2 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Kinondena ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang nag-viral na larawan ng isang indibidwal na ginawang costume ang uniporme ng pulis sa isang Halloween Party, ayon sa ibinahaging report ng Radyo Pilipinas.
Pinahaharap na ni NAPOLCOM Vice-Chairperson at Executive Officer Commissioner Rafael Vicente Calinisan ang lalaki.
Ayon kay PNP acting Chief, Police Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., isa itong hayagang pambabastos at kawalang-galang sa dangal ng buong puwersa ng Pulisya ayon pa sa report.
Makikita kasi sa viral photo sa social media ang lalaking nakasuot ng Police uniform na wala nang manggas na lumikha ng galit sa mga netizen gayundin sa mga lehitimong pulis.
Ayon sa PNP, ang ginawang ito ng lalaki ay isang insulto sa kanilang integridad at dignidad bilang mga pulis ng bayan.
Sa ilalim ng Article 179 of the Revised Penal Code, ang iligal na paggamit ng unimporme o mga insignia ng Pulisya gayundin ang hindi tamang pagsusuot ng uniporme ng hindi pulis ay may katapat na kaparusahan.
Dahil dito, iniimbestigahan na ng PNP kung sino ang nasa larawan at papanagutin ito sa ilalim ng mga umiiral na batas



Comments