Lalaki na nahaharap sa kasog Acts of Lasciviousness at Top 6 Most Wanted ng Maguindanao del Sur, arestado sa bayan ng Talayan
- Teddy Borja
- Oct 10
- 1 min read
iMINDSPH

Naaresto ng mga operatiba ng Maguindanao del Sur Police Provincial Office, sa ilalim ng PRO BAR, ang Top 6 Most Wanted Person sa lalawigan sa isinagawang operasyon.
Ang suspek, ay kinilala sa alyas na “Arman”.
Inaresto ito sa bisa ng warrant of arrest sa kasong Acts of Lasciviousness.
Ayon sa mga awtoridad, naging matagumpay ang operasyon sa tulong ng isang concerned citizen na agad nagbigay ng impormasyon hinggil sa kinaroroonan ng suspek.
Kasalukuyang nakakulong sa Guindulungan Municipal Police Station si alias “Arman” para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.
Pinuri naman ni PNP PRO BAR Regional Director Police Brigadier General Jaysen De Guzman, ang mga operatiba sa kanilang dedikasyon sa kampanya ng PNP laban sa mga wanted na personalidad. Binigyang-diin din niya ang mahalagang papel ng pakikipagtulungan ng komunidad sa patuloy na laban kontra kriminalidad.



Comments