Lalaki na nahaharap sa kasong murder at Top 2 Most Wanted ng Davao del Norte, arestado
- Teddy Borja
- 22 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Napasakamay ng awtoridad ang Top 2 Most Wanted Person ng rehiyon na nahaharap sa kasong murder.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Caloy”.
Inaresto ito araw ng Sabado, November 1, sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ng Regional Trial Court, 11th Judicial Region, Branch 34, Panabo City, Davao del Norte, na may petsa na December 27, 2013.
Walang inirekomendang piyansa ang korte sa kaso.
Nasa kustodiya na ng Panabo City Police Office ang suspek para sa wastong disposisyon at dokumentasyon.



Comments