Lalaki na nahaharap sa kasong theft at kabilang sa listahan ng Most Wanted sa bayan ng Datu Piang, Maguindanao del Sur, arestado
- Teddy Borja
- Sep 3
- 1 min read
iMINDSPH

Sa Datu Piang, Maguindanao del Sur-
Napasakamay ng awtoridad ang isang lalaki na kabilang sa Most Wanted individual sa bayan.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Jhabbie”.
Inaresto ito alas 10:30 ng umaga araw ng Martes, September 2 sa Barangay Damabalas, Datu Piang.
Ito sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Judge Janis Rohaniah Guiani Dumama-Kadatuan ang Presiding Judge ng 12th Judicial Region, Municipal Circuit Trial Court ng Datu Odin Sinsuat-Datu Piang-Talayan, Maguindanao, in Cotabato City.
Ang Warrant ay may Petsa na May 16, 2025.
Agad dinala sa Datu Piang MPS ang inarestong wanted person para sa booking procedures at documentation.



Comments