Lalaki na residente ng General Santos City, sugatan matapos pagbabarilin habang minamaneho ang kanyang SUV sa Tulunan, Datu Anggal Midtimbang
- Teddy Borja
- Sep 4
- 1 min read
iMINDSPH

Sugatan ang isang lalaki matapos pagbabarilin habang minamaneho ang kanyang SUV sa Barangay Tulunan, Datu Anggal Midtimbang kaninang umaga.
Narekober ng mga awtoridad mula sa biktima ang isang large heat-sealed transparent sachet na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu, caliber . 45 at mga bala.
Ito ang mga kuhang larawan at video ng mga netizen sa naganap na pamamaril sa SUV na minamaneho ng isang Aldren mula sa General Santos City.
Maraming tama ng bala ang sasakyan at makikitang duguan ang biktima.
Ayon sa awtoridad, naganap ang insidente alas 9:49 kaninang umaga sa loobang bahagi ng Sitio Ataw ng nabanggit na barangay.
Agad isinugod ng mga awtoridad ang biktima sa pinakamalapit na pagamutan.
Sa report ng Maguindanao del Sur Provincial Police Office, narekobrer mula sa biktima ang ang isang large heat-sealed transparent sachet ng pinaniniwalaang shabu, caliber .45 at mga bala.



Comments